Sa kasaysayan ng Pilipinas, nasungkit ng bansa ang Miss Universe crown ng dalawang beses pa lamang – noong 1969 at 1973. Hanggang ngayon hindi pa nasundan ng ikatlong titulo ngunit dalawang beses na halos muntik na makamit ang inaasam-asam na korona. Si Miriam Quiambao noong 1999 at si Janine Tugunon noong nakaraang taon ay muntik na naging Miss Universe. Sa ngayong taon, si Ariella Arida na naman ang sasabak sa patimpalak. Lumipad siya kaninang 14:56 lulan ng Philippine Airlines lipad bilang PR306 papuntang Hongkong. Mula Hongkong ay tutulak si Ariella papuntang Moscow kung saan gaganapin ang patimpalak.

 

Ano nga ba ang tsánsa ni Ariella na makamit ang korona? Marami ang nagsasabi na hindi maganda ang sitwasyon kung saan ang kandidata ng isang bansa ay naging first runner-up noong nakaraang taon. Halimbawa, noong 2010, ang first runner-up ay Jamaica at ng sumunod na taon, hindi napasali ang bansa sa Top 16. Ganun din ang Ukraine kung saan nagtapos sila bilang first runner-up noong 2011 kaya’t ligwak sila noong 2012. Ngunit, wala tayong dapat ikakatakot dito dahil noong 2005, first runner-up ang Puerto Rico at nang 2006 sila ang nagwagi. Ganun din ang Japan noong 2006. First runner-up si Kurara Chibana at nang sumunod na taon nanalo si Riyo Mori. Kaya’t posible na dahil first runner-up si Janine Tugunon noong nakaraang taon, mananalo na rin si Ariella ngayong taon.

aradeparture

Isa rin sa magandang balita ay ang kasaysayan ng Miss Universe sa Europa. Ikatlong beses na ito na ang patimpalak ay gaganapin sa isang bansang Europeo. Noong 1973, ginanap ang kauna-unahang Miss Universe sa kontinente kung saan Athens ang pinagdaosang lungsod. Ang nanalo ay si Margarita Moran ng Pilipinas. Noong 2000, Nicosia ang lungsod na pinagganapan ng Miss Universe at si Lara Dutta naman ng India ang nanalo. Mapapansin na Asyana ang parating nanalo kapag ang patimpalak ay ginaganap sa Europa.

 

Siguro panahon na talaga na Pilipinas ang magwawagi. Halos tatlong taon nang sunod-sunod ang pagpasok ng bansa sa Top 5 ng patimpalak. Kaya kailangan ni Ariella ang panalangin at suporta ng lahat ng Pilipino. Pero higit sa lahat, dapat na rin tayong maging mapagkumbaba at maging sibilisado nang sa ganun ang imahen ng ating bansa ay hindi magiging masama. Marapat na suportahan natin ang ating kandidata sa halip na sirain ang ibang bansa ng sa ganun kung ating makamtan ang korona, paghanga at hindi inggit ang ating mapapala.

NO COMMENTS