Dumating na sa bansa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nitong alas-05:45 kaninang umaga. Umalis si Pia sa lungsod ng Denpasar sa pulo ng Bali, Indonesia kaninang mga alas-dos ng umaga. Ayon sa mga source ng Missosology, may ginawang endorsement si Pia sa Indonesia bago ito lumulan sa Philippine Airlines lipad bilang 538 papuntang Maynila.

arrival

Paglabas ni Pia sa arrival area ng paliparan, sinalubong sya kaagad ng mga myembro ng media kung saan merong kaunting mensaheng pinaabot ang beauty queen. Magkakaroon naman ng isang press conference sa linggo at ang malaking parada naman ay gaganapin sa Lunes sa iba’t ibang dako ng Metro Manila. Nakaabang na rin ang isang malaking float para sa parada. Inilabas ng MMDS ang disenyong nasabing float nitong nakaraang mga araw.float

 

 

1 COMMENT

Comments are closed.