Nasa probinsya ngayon ng Capiz si Bb. Pilipinas-Universe 2014 Mary Jean Lastimosa pagkatapos na sya ay inanyayahan na maging panauhing pandangal sa fiesta ng bayan ng Panit-an. Pinsalamatan umano ni Mary Jean ang mga Capizeño sa mainit na pagsalubong sa kanya. Binisita ng beauty queen ang pinakamalaking kampana sa bu-ong Asya na matatagpu-an sa simbahan ng Santa Monica sa Pan-ay, Capiz. Namahagi na rin siya ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda na hangang ngayon ay naghihirap pa rin sa dulot na pinsala ng bagyo.