Sa unang araw pa lamang ng kanyang pagkapanalo, nabalot na agad ng kontrobersiya si Rabiya Mateo. Inakusahan sya na may pandarayang nangyari at ang masakit nito, kapwa kandidata ang umakusa. Malaki ang naging epekto nito kay Rabiya at ang sama ng kanyang loob ay bitbit niya hanggang sa ngayon.
Sa kabila ng mga akusasyon, naging tahimik na lamang si Rabiya. Ngunit sa isang panayam ng Missosology may isang sagot siya na naging kontrobersyal. Nang sinabi ni Rabiya na hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Pangulong Duterte na hindi bagay ang babae sa posisyon sa pagkapangulo, binatikos kaagad sya at pinaratangan na namumulitika. Ang totoo, walang masama sa sagot ni Rabiya lalo na ang Pilipinas ay nagkaroon na ng dalawang babaeng pangulo.
Kahit kaliwa’t kanan ang pambatikos sa kanya, umani naman si Rabiya ng napakaraming suporta lalo na sa kanyang mga kababayan sa Iloilo at Kanlurang Bisayas. Ginawa niya ang kanyang responsibilidad datapwa’t siya ang naging reyna sa gitna ng pandemya. Humugot siya ng lakas sa kanyang mga taga-suporta.
Pagdating sa pandaigdigang patimpalak, isa sa mga paborito si Rabiya. Ngunit ang magandang takbo ng kanyang pagganap ay tila nahinto ng nagkaroon ng aberya ang kanyang Pambansang Kasuotan. Hindi kumasya ang mga mga aksesorya ng kasuotan at sa huling minuto napilitan si Rabiya na gupitin ang ibabang bahagi nito. Umani na din ng batikos mula sa mga Pilipino ang kanyang kasuotan at sa isang paskil sa kanyang social media, nakitang umiyak si Rabiya dahil dito.
Sa preliminaries, makitang pagod si Rabiya. Ang kanyang dilaw na damit ay binatikos na din. Sa kabila nito, napasama pa din si Rabiya sa 21 semifinalists. Sa kasamaang palad, hindi na siya umabot sa Top 10. Sa swimsuit competition kasi, halata na parang hindi na masaya ang mukha ni Rabiya at hindi na ito ngumingiti.
Si Rabiya suot ang kanyang swimsuit
Walang katanungan kung sumuporta ba ang mga Pilipino kay Rabiya. Ngunit, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ito buo. Hati ang mga Pilipino dahil nilagyan ng ibang kababayan natin ng kulay ng pulitika at inggit ang kanyang kampanya para makamit ang korona. Sinasabi ng mga dayuhan na humuhugot ang ating mga reyna ng lakas mula sa ating suporta. Nakakalungkot na sa ngayong taon, tayo na din ang sumira kay Rabiya.
Si Rabiya Mateo habang suot niya ang kanyang Pambansang Kasuotan
Binatikos na din ang dilaw na damit na ginamit ni Rabiya noong preliminaries