mjart4Maraming senyales ang nagpapahiwatig na maari na ngang manalo ang Pilipinas ng pangatlo nitong korona sa Miss Universe. Maganda ang naipamalas ng ating kandidata na si Mary Jean Lastimosa simula ng siya ay lumapag sa Doral, Florida. Maganda si Mary Jean at lutang na lutang ang kanyang kagandahan nang nagsimula ang mga photoshoots. Ang unang lumabas na larawan ni Mary Jean ay kung saan suot nya ang pulang gown. Maganda ang kasuotan ni Mary Jean at naipakita nya sa madla ang magandang hubog ng kanyang katawan.



mjart3

Hindi rin pahuhuli si Mary Jean sa larangan ng swimsuit. Isa siya sa mga hinahangaan ng mga pageant watchers at missosologists dahil sa ganda ng hugis ng kanyang katawan. Maganda rin ang ipinakitang ugali ni Mary Jean sa Miss Universe. Matatandaan na ang isa sa habilin sa ating mga dating kandidata ay lumapit sa mga nangunguna katulad ng kandidata ng Venezuela para mapansin. Ngunit sa sitwasyon ni Mary Jean, talagang naging malapit sila na kaibigan ng mga kandidatang malalakas katulad ni Miss Venezuela at Miss Serbia.

mjart1

Hindi rin pahuhuli si Mary Jean sa listahan ng mga iba’t ibang pageant-related websites. Sa madaling sabi, isa sa mga paboritong delegada si Mary Jean sa kasalukuyang patimpalak ng Miss Universe. Ang isa pang malakas na ebidensya na sya ay isa sa mga paborito ay ang pa-imbita sa kanya ng Russian American Chamber of South Florida. Mapapansin na ang lahat na dumalong kandidata ay ang mga dating sakop ng Soviet Union at ang Pilipinas lamang ang naiiba. Isa ito sa malakas na katibayan na si Mary Jean ay sadyang paborito sa Miss Universe.

Hindi na rin pahuhuli sa Mary Jean sa larangan ng pakikipagpanayam. Sa opisyal na Youtube video ng Miss Universe, mapapansin na si Mary Jean ay kalmado, magaling magsalita at talagang tapat kung sumagot sa panayam. Ang mga kalidad na ito ay siyang kailangan niya para sa final Q&A sa finals night.

mjart5

Matalino, maganda, seksi at higit sa lahat paborito ng Miss Universe Organization… Ano pa ang kailangan ng ating kandidata para masiguro ang kanyang pagkapanalo? Walang duda, nangangailangan din si Mary Jean ng suporta ng kanyang mga kababayan. Dapat manalangin tayo na siya ay gabayan at nang maiuwi na ang ikatlong korona. Si Mary Jean ay sumali sa patimpalak para sa bayan at nararapat lamang na siya ay bigyan ng suporta ng sambayanang Pilipino.

mjart2

17 COMMENTS

Comments are closed.