Ang pag-alala ay walang kwenta
Hindi naman nito binabago ang sitwasyon
Ginugulo lamang nito ang iyong pag-iisip
At pinagkakait lamang nito ang kasayahan mo
Noong Miss Universe 2010, marami ang nagsasabi na si Venus Raj ay hindi gaanong maganda. Marami ang nag-alala na sya ay masapawan ng ibang kandidata. Pinutakte sya nga mga bashers at ang ibang Pinoy naman ay alalang-alala at sya ay pinaglaban. Akala ng marami wala ng pagkakataon si Venus na makapasok sa semis. Ang nangyari – Top 5/4th runner-up.
Miss Universe 2011 at marami ang nagsasabi na hindi papasok sa banga si Shamcey Supsup kasi nga taga-UP sya at magaling magsagot-sagot. Alalang-alala ang lahat dahil baka maging Nina Ricci Alagao version 2 si Shamcey. Marami din ang nagalit kasi daw pinansin ang kanyang lakad ng mga bashers na parang lasing daw si Shamcey. Ang nangyari – Top5/3rd runner-up
Si Janine Tugonon naman hinamak noong 2012. Sabi nila, tapos na raw ang parating pagpasok ng Pilipinas sa Top 5 ng Miss Universe dahil nga raw di gaanong kagandahan si Janine. Alalang-alala ang lahat. Ang nagyari – Top 5, first runner-up pa!
Noong nakaraang taon alalang-alala ang lahat dahil daw pangit ang porma ng katawan ni Ariella Arida. Nung nag-semis sabi daw mukha syang bading. Kung anu-ano na lamang ang insulto na binitawan ng mga bashers. Ang nangyari – Top 5 pa rin at 3rd runner-up pa!
Sa taong ito, bakit ba tayo alalang-alala? Bakit ba tayo masyadong sensitibo? Bakit may bahid ng duda ang ating mga puso? Hmmmm?