Ang kuwento sa likod ng pagkabigo ni Bianca Guidotti
sa Miss International 2014

Dalawang pangyayari ang maaring hindi makalimutan ni Bianca Guidotti bago pa man siya sumabak sa patimpalak na Miss International 2014. Ang unang pangyayari ay ang harapang pagbigay puri ni Madame Stella Marquez de Araneta kay Bianca. Kuwento ng isang tao na nasa loob mismo ng Bb. Pilipinas, sinabi raw ng Pambansang Direktor na mas maganda pa si Bianca kung ikumpara ito sa kay Bea Rose Santiago, ang nanalong Miss International 2013.

Ang pangalawang pangyayari ay nasaksihan ng buong bansa. Sa isang panayam, ibinulgar ni Bea Rose ang kanyang sekreto kung paano sya nanalo ng korona. Si Karen Davila ang tagapagpanayam at nandoon din si Bianca. Sinabi ni Bea Rose na pinag-aralan nya ang gusto ng mga Hapones sa isang babae at ginaya nya ito. Bumaling naman si Karen na kung ganoon, maaring ang personalidad ng isang sumasali sa patimpalak ay magiging iba na at hindi na ang sarili nito ang ipinapakita sa publiko.
Ang dalawang pangyayari na ito ay maaring humubog sa pagkatao ni Bianca nang siya ay sumali sa Miss International 2014. Nang sinabi ni Madam Stella na mas maganda pa si Bianca kaysa kay Bea Rose, nagpapahiwatig ito na mataas ang ekspektasyon kay Bianca, hindi lamang ng Bb. Pilipinas, kundi ng publiko. Nang narinig naman ni Bianca ang sinabi ni Bea Rose sa panayam nila kay Karen Davila, doon naman nagkaroon ng ideya si Bianca na ang sekreto para makuha ang korona ay ang pagpakita ng pekeng personalidad at hindi ang tunay mong pagkatao.

Walang dapat sisihin sa pagkatalo ni Bianca at sa di pagkasali nito sa Top 10 kahit na inako pa ni Jonas Gaffud ang sisi at kahit pa na sinabi ng mga panatikong tagasunod na ang damit ni Bianca ang dahilan. Ngunit hindi natin pwede ipagsawalang-bahala ang katotohanan na ang naramdamang paggigipit kay Bianca ang naging sanhi ng kanyang pagkatalo.
Halatang nahirapan si Bianca at nagipit ito. Sa isang pagkakataon, idinaan muna si Bianca sa ospital dahil nagkaroon ito ng karamdaman. Nang siya ay sumali sa isang pampublikong talumpati, halata na si Bianca ay may dinadaramdam, pagod at nagigipit. Ang mataas na ekspektasyon at ang pangangailangang magpakita ito ng kakaibang personalidad sa madla ay nagbigay ng mabigat na pasanin sa balikat ni Bianca.
Tapos na ang Miss International 2014 at wala ng magagawa pa tayo para maiba ang naging resulta nito. Ngunit isang aral ang pwede nating mapulot. Ang pakiramdam na ikaw ay ginigipit ay parating nasa isang patimpalak. Ang malaking tanong ay kung paano natugunan ito. Sa kaso ni Bianca, ang kanyang pagkatalo at di pagpasok sa Top 10 ay isang malaking sagot sa kung paano niya dinala ang pagigipit sa kanya.
Para Sakin Ginawa Ni Bianca Ang Lahat Ng Magagawa Nya Para Manalo Sa Miss International, Nganit Hindi Lang Talaga Sapat Yung LAHAT Na Iyon. Kahit Ako Mismo Para Sakin Hindi Xa Mananalo. Magiging Prangka Nakuh. Hindi Ako Nagagandahan Sakanya Lalo Na Pag Tumatawa Xa. May Iba Sa Dating Nya Na Hindi Ko Maipaliwanag Pero Hindi Nakakatuwa. At Isa Pa Pag Solo Nya Sa Picture Ang Awra Nya Eh Awrang Panalo Na Pero Pag Tinabi Na Xa Sa Iba Natatabunan Xa. Lumulubog Ganda Nya.
hindi sa lahat ng oras, mananalo ang Pilipinas. Kaya para sa akin, hindi kailangan i-analisa ang pagkatalo ng ating bansa or ng kung sinuman sa ganitong uri ng timpalak. Ayon nga sa mga dating nanalo, ang pagkapanalo ay laging may kakambal na swerte.
Sana’y hindi na kwestyunin ang hindi pagkasali ng Pilipinas sa TOP 10 or kung anumang pagkatalo. Ilang taon tayong hindi nananalo sa mga ganitong timpalak at hindi naman kinwestyon ang mga yun. So sana wag abusado ang mga kapwa Pilipino na pag nanalo eh, niyayakap ang tagumpay pero pag talo, naghahanap ng sisisihin.
Opinyon lang po.
I concur. No big deal. Hindi araw-araw ay Pasko. Sa katunayan mas madaming magaganda pang mga kandidata ng iba’t ibang bansa ang hindi nananalo kahit na anong gawin nilang preparation. So hindi na kailangang bigyan pa ito ng analysis. Swerte lang talaga si Bea Rose noon dahil sa naging kalagayan ng Pilipinas noong siya ay sumabak sa Japan.
I think it’s just a matter of her not surpassing the huge expectation of doing a back to back. She maybe more beautiful than last year but there shouldn’t be an ounce of a doubt in her performance that she can win for the country twice in a row. Her every move was being watched and any error she did was magnified ten folds. Add to that, that she may come accross too rehearsed, trying hard to do a double victory. her genuiness and sincerity is questioned up to no end. yup, this is the double edge sword that may befall on valerie and yvette too. so don’t expect too much philippines this year will be a dud
haha.. sa author at sa admin, this is just a waste of effort and time for u..prsonally, kht knamumunghian ko si stella, i doubt n ssbihin nyang mas mganda si bianca keysa kay bea s harap ng ibang taong may mkkrinig.i mean ganun nb sya ka stupid pra mag side comment bout that na mririnig ng ibang tao?..2nd, anong pekeng personality?we r always adaptable 2 our environment..we can choose kung anu ang ipproject ntin s sarili natin..kung gus2 mang i-tailor ni bea na s tingin nya yun ang maaari nyang ikakapanalo……choice nya yun..and i dont just think it’s a bad thing..hindi lng tlga gus2 ng mga judges cguro si bianca..end of story..