Friday, 08 February 2013 01:28

OPINYON :: Eto na naman tayo

Eto na naman, panahon ng Bb. Pilipinas. Kaliwa't kanang tsismis, kesyo si ganito at si ganyan ay sasali. Kung tayo ay maniwala sa mga tsismis, bale taun-taon nang sumasali si Meagan Young at Isabelle Diaz. Pati ang kawawang bakla (paumanhin sa salitang ginagamit sa kadahilanang walang batas sa Pilipinas na nagpapahintulot sa pagbago ng kasarian) na humawak lamang sa pinto patungo sa awdisyon eh pinaghinalaan na sasali. Ganyan talaga siguro pagmasyado ng ligalig ang madla.

 

Ang mangyayari lang naman kasi ay kung sino ang mananalo ay babatikusin. Babatuhin na naman ng karamihan si Madam Stella Marquez de Araneta nang kung anu-anong insulto. Kesyo lutuan daw ang nangyari. Tapos ang kawawang mananalo ay di pa sumasali sa Miss Universe ay tadtad na ang puri nya. Kesyo pangit, kesyo mataba, kesyo boba, kesyo bansot. Tapos maglalaway sila pagnakita na nilang umasenso ang ating kandidata. Todo suporta na naman ang mga traidor. Pero ang mga nabitawang salita ay hindi na mababawi. Ang resulta? Ang mga batikos ng mga Filipino sa sariling kandidata ay pupulutin ng mga Malaysiano, ng mga taga-Biyetnam, ng mga taga Tailandya, at ibabato balik sa atin. Tapos magwawala tayo dahil binabastos na ang ating kandidata. Teka, teka...di ba sa atin din nanggaling ang mga bastos na salita kontra sa ating kandidata?

 

Ang karamihan sa atin bastos din kung magpuna ng mga kandidata ng ibang bansa. Kaya nga ang mga Filipino ang paboritong insultuhin ng ibang bansa. Kasi nga naman tayo din ang kadalasan nagpapasimuno. Sobra tayong mayabang. Di ba dapat ang mga nakamit ng ating mga reyna ay sya na mismo ang magsalita kung gaano tayo kagaling? Pati ba naman bansa na di pa nananalo ng kahit ano ay pinapatulan pa ng iba sa atin dyan. Siguro di talaga tayo pwedeng yumaman bilang isang bansa kasi maaring magiging sobrang yabang nating mga Filipino kapag nangyari yun.

 

Oo, isa tayong bansa na mahilig sa patimpalak sa pagandahan. Ngunit minsan masyado tayong mapaghusga. May isa pang celebrity nag-tweet na huwag daw muna mag parlor kasi natalo si Janine. Ang tanong - lahat bang nasa parlor ay bakla? Lahat ba na bakla ay mahilig sa patimpalak sa pagandahan at lahat ba na mahilig nito ay bakla? Parang sinabi nyo na rin na walang karapatan ang mga bakla na maging mahilig sa NBA. 

 

Kaya sana ngayon maghuhunusdili tayo. Maging maingat sa puna at maging sibilisado. Ika-50 taon na ng Bb. Pilipinas at maaring mananalo tayo ng Miss Universe ngayong taon. Ngunit maaring mabigo ang ating mga pangarap kung karamihan sa atin ay magiging negatibo. Suporta at hindi panglalait ang kailangan ng mananalo ngayong taon sa Bb. Pilipinas. Manalig tayo kay Madam Stella Marquez de Araneta at sa kanyang mga alipores :-). Huwag magpadalus-dalos sa pagiging negatibo. Huwag agad-agad. Yun lang.

 

Published in Philippines
[fn32]

Latest on Missosology

Miss USA 2013 Contestants' Reviews Part 8

Miss USA 2013 C...

The Mountain States offer what it seems ...

Miss USA 2013 Contestants' Reviews Part 7

Miss USA 2013 C...

  There is a big disappointment about t...

Santacruzan 2013

Santacruzan 201...

Santacruzan is a Philippine tradition th...

Editors Pick

Miss USA 2013 Contestants' Reviews Part 8

Miss USA 2013 C...

The Mountain States offer what it seems ...

Miss USA 2013 Contestants' Reviews Part 7

Miss USA 2013 C...

  There is a big disappointment about t...

Santacruzan 2013

Santacruzan 201...

Santacruzan is a Philippine tradition th...

Video of the Day

Most Popular

« February 2013 »
Mon Tue Wed Thu Fri Sat Sun
        1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28      

Sponsored

Who's Online

We have 306 guests and one member online

Connect with us

Translate Missosology

English Chinese (Simplified) Filipino French German Russian Spanish