Mas morena, mas maganda – Alma Concepcion

1
4301

Nitong nakaraang mga araw, nakapanayam ng PEP si Bb. Pilipinas-International 1994 Alma Concepcion tungkol sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga Pinay beauties sa larangan ng patimpalak sa pagandahan. Ang panayam ay inilathala ng GMA News  Si Alma ay napabilang sa isang matagumpay na grupo ng Bb. Pilipinas. Noong 1994, si Caroline Subijano ay naging semifinalist sa Miss World, gayon din si Charlene Gonzalez kung saan naging Top 5 sa Miss Universe at si Alma naman ay isa sa Miss International semifinalists. Narito ang bahagi ng sinabi ni Alma sa panayam. Sang-ayon ka ba sa kanyang pananaw?

Screen Shot 2014-04-20 at 12.48.34 PM

MORENA BEAUTIES. Sa pananaw ni Alma, “Kailangan na nating tanggapin na mabenta ang kayumanggi.”

Paliwanag niya, “Napansin n’yo, sila-sila ay may iisang hitsura—payat, matangkad, morena.

“Hindi yung taste natin na mestisa.

“So yun, kaya tayo nananalo lately kasi yung look, e.

“Mas morena, mas maganda.

“Before, nung sumali ako, nagpaitim ako.

“Kasi iba sa stage, kumbaga sa kape, may timpla.

“So very good yun, nakakatuwa.

“Nahuli na natin kung ano ang gusto ng international judges.”

alma

1 COMMENT

  1. If she’s referring to the successes of 2010-2014, I’m confused where and how Megan, Shamcey, Bea, Gwendoline, and Mutya were at one point morena–or tanned–during their winning days.

LEAVE A REPLY