Ipagmalaki natin si Maxine Medina

1
4961

Nakakalungkot na marami sa atin ay kinutya ang pagtatanghal ni Maxine sa Miss Universe 2016. Ang mga kritiko ay mabilis pa sa alas-kwatro kung magpuna lalo na sa sagot ni Maxine sa kung ano sa tingin nya ang pagbabagong naganap sa nakalipas na sampung taon.

artmaxine5

Isaalang-alang natin na napakalaking responsibilidad ang iniatang sa mga balikat ni Maxine at simula’t sapul hindi sya tinantanan ng puna at lait. Merong nag-udyok sa kanya na gumamit ng tagasalin para sa panayam. Meron namang nagsasabi na imposibleng mananalo sya dahil dito ginanap ang patimpalak. Ngunit sa halip na mawalan si Maxine ng interes, lalo pang pinalakas ni Maxine ang kanyang loob.

Hindi man sya nanalo o napasama sa Top 3, nagpakitang gilas naman si Maxine sa Miss Universe 2016. Dapat lamang na ipagmalaki natin si Maxine Medina bilang isang kinatawan ng ating bansa sa isang pandaigdig na patimpalak. Sya ay nakarating sa Top 6 kahit na marami syang malalakas na kalaban.

artmaxine2

Sa swimsuit, ipinamalas ni Maxine and buong kumpiyansa sa sarili at namangha ang mga hurado pati na ang mga manonood sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Sa labanan naman sa gown, medyo hindi kumbinsido ang marami sa disenyo ng kanyang suot. Marami din ang nagsabi na kulang daw sa x-factor ang mga galaw ni Maxine. Ngunit sya ay nakapasok pa rin sa Top 6 marahil siguro nakita ng mga hurado na angat ang kagandahan ni Maxine habang suot ang pulang gown.

artmaxine3

Hindi na masama na nakapasok si Maxine Medina sa Top 6. Talagang maraming malalakas na kandidata ang sumali sa Miss Universe 2016. Alalahanin natin, si Charlene Gonzales, ang ating kinatawan nuong 1994, ay nasa Top 6 din. Ang ating mga beauty queens ay kinatawan ng ating bansa. Nagsumikap sila para mabigyan ng karangalan ang ating bansa. Sana naman,pagpupuri at hindi pangungutya ang ating ibibigay kay Maxine Medina.

artmaxine1

Comments

comments

1 COMMENT

  1. She made it far in the Miss U because she was a great host with a great demeanor. Her gown, hair, and lipstick color was a BIG disappointment. She should have listened to Ate Gloria to speak in Tagalog. But I suspect it would not make a big difference.

LEAVE A REPLY