OPINYON :: Ayan na…umaarangkada, umaariba!

0
2671
Philippines

Simula pa lamang, marami na ang lumalait kay Ariella Arida. Ang masakit pa nito ang karamihan sa mga nanglalait sa kanya ay mismo ang kanyang kapwa Pilipino. Lalo na nung lumabas ang unang swimsuit photos mula Moscow. Kung anu-anong tirada na lamang ang binabato sa kanya. Tinatawag sya minsan na mukhang matanda at hindi marunong mag-pose. Kawawang Ariella!

araart1

 

Umarangkada si Ariella sa Tony Ward Fashion Show

Ngunit sa ngayon, malaking sampal sa kanyang mga kritiko ang umaariba at umaarangkadang ganda ni Ariella sa Moscow. Makikita sa mga larawan na gumanda ang hubog ng kanyang katawan. Masasabi din natin na siya ang nangungunang kandidatang mula sa Asya. Isa siya sa mga pinili sa Tony Ward Fashion Show at ipinamalas ni Ariella ang kanyang galing sa paglakad sa catwalk. Hindi totoong napasali siya sa Yamamay Fashion Show dahil halos nagkasabay ito sa Tony Ward Fashion Show. At lalong mas organisado ang Tony Ward dahil sa Yamamay, maliit lamang ang entablado at nahulog pa sa butas ng entablado si Miss Dominican Republic.

Philippines

 

Emotera pagdating sa Fadil shots

 

Nitong huli, si Ariella ay isa sa anim na kandidata na isinali sa bagong patalastas ng Mercedes-Benz, na alam nating isa sa pinakakilalang luxury brands sa buong mundo. Kasama niyang ang paborito ngayon na si Miss Poland, ang host delegate na si Miss Russia, si Miss Germany (gawang Aleman ang Mercedes-Benz), si Miss Austria at Miss Mexico.

Ang mga Fadil shots ni Ariella ay hindi rin pahuhuli. Isa siya sa mga fierce tingnan at talagang marunong siya umeksena. Ngayong nangingibabaw na ang ganda ni Ariella at halatang isa na siya sa mga paborito, ano kaya ang masasabi ng kanyang mga kritiko?

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY