~ MULA SA BAUL
~
by Ang Mang-aawit
"Ang Pilipina at ang
Binibining Pilipinas"
PART I
Isa sa mga
magagandang halimbawa ng isang pagiging "pageant enthuasist"
ay ang taun-taong pagnanasang sana'y makauwi uli ng panibagong
korona at karangalan ang isang Pilipina mula sa kanyang
paglahok sa pandaigdigang "beauty contest". Inaasam-asam ng
marami na sana'y bumalik uli ang bango't halimuyak ng isang
Pilipina sa "beauty olympics" tulad ng mga nagdaang taon
lalung-lalo na noong "late '60s and early '70s".
Ano
ba ang meron noong panahong ito at halos lahat na yatang mga
"may edad" na "pageant enthuasiast" na katulad ko ay hindi pa
rin mawalay sa aming mga isipan ang "dating" ng isang Pilipina
sa international arena?
Napaka-simple ng sagot. Ito ay
ang tinatawag na "QUALITY". The quality of
our Binibini and Mutya candidates in the past truly
exemplified and essayed the word, "QUALITY". Talagang "may
dating" ang dating Pilipina. Kung "beauty" at "brains" lang
ang pag-uusapan ay talaga namang meron. May "breeding" din
pati ang mga kalahok sa Binibini at Mutya.
Pero bakit ngayon ay unti-unti nang naglaho ang mga
ito?

Alam n'yo ba na ang naging Philippine
representative natin na si Guada Sanchez sa Miss
Universe 1974 ay isa lamang high school graduate? But look at
the way she spoke and delivered her answers during the
interview portion of the pageant . . . oh, my! It was already
excellent for a high school grad! Siyempre, may halong kaba
talaga during the interview kaya hindi minsan nai-elaborate
ang mga sagot ng isang kandidata pero Guada never lost her
composure in this segment. She was truly engaging!
Gloria Diaz was another example. E hindi naman
nakapag-aral si Gloria rito sa States ni isang semester man
lang e bakit napaka-"engaging" niya sa kanyang mga interview?
Hindi naman memoryado ang kanyang mga sagot but how come she
"aced" them with grace and finesse?
Si Margie
Moran naman . . . e hindi naman talaga ganu'n katindi ang
kanyang pagiging matalino sa pagsagot. Kung tutuusin e medyo
may pagka-"domesticated" nga ang "accent" ni Margie but this
didn't stop her from winning the Miss Universe crown against
Amanda Jones in 1973 dahil maganda talaga si Margie at
may "regal bearing". Kahit na talaga namang namumukadkad sa
pagiging usli ang mga ngipin ni Margie ay "feel-na-feel" pa
rin ni Bob Barker ang pagiging mala-"Jackie O" ni Margie dahil
sa kanyang angking ganda at "sheer elegance". E bakit ngayon,
kumukuha tayo ng kandidata na kamukha ng isang dakilang
komedyanteng si Aruray? Sinundan pa natin ito ng isang
mala-baranggay o pang-"fiesta" lamang na kandidata! Nagbago na
ba ang panlasa natin?
In the '70s, Jennifer
Cortez's winning the Philippine-Universe crown became so
questionable that it soon started the demise of our local
pageants. Sino ba ang mag-aakala na "ang mukhang parang
inaantok" ang siyang magwawagi sa Binibini? It was one of the
worst moments of "Binibini" history.
This was followed by the
controversial winning of Maria Isabel Lopez in 1982 who
strutted herself like a prostitute in those days. She was
already a Girard Peter bold model before joining the local
pageant. She was like Anna Marie Gutierrez who was also a "GP
bold model" before the latter's "Scorpio Nights" fame. If you
asked my opinion, I really wasn't impressed with the way
Isabel answered the late Rita Gomez's question if she was
still a "virgin" or not. The way Isabel delivered her answer
was like a "pang-kanto" response. At dahil ba sa hindi siya
nakuha bilang isang semi-finalist sa MU 1982 sa Lima, Peru ay
hindi nangahulugang hindi na siya isang "Binibining
Pilipinas". Subalit mas naging bastos pa si Isabel sa mga
nagdaang taon. She joined the "penetration" bandwagon in the
movie industry. She made actual penetration scenes with
Paquito Diaz, Mark Joseph and other bold actors in those days.
This became one of the many factors why girls from the "alta
sociedad" started looking down on our local beauty pageant
industry because of the "kind" of women we chose to become
winners. Kaya kung napansin ninyo, ang mga sumunod na mga
winners natin sa Bb. Pilipinas-Universe ay ang mga walang
binatbat. Tila naging "DARK AGE" ito ng Pilippine pageantry.
Ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod: (1) si Violeta
Naluz na walang kwentang lumahok sa MU 1986 na kung saan
inilantad niya ang kanyang kabaduyan sa kanyang "People's
Power" introduction; (2) si Perfida Limpin na
mala-Bakekang ang mukha e hindi man lang nagpakitang gilas sa
Taiwan na kung saan APAT na mga Asians ang naging runners-up
at winner; at (3) si Sarah Jane Paez na napakabaduy ng
swimsuit at evening gown na isinuot sa Cancun, Mexico. Tsk!
Tsk! Tsk!
Despite this "dark age" of the Philippine
pageant industry, a gleamer of light came in 1987 when
Pebbles Asis revived the "good breeding" credo of BPCI.
For me, Pebbles was one of the best representatives we ever
had in the history of Binibini. She was bubbly, amiable and
confident. Ang galing ding rumampa ni Pebbles. Hindi ko
makalimutan ang kanyang pag-ikot during the evening gown
competition na kung saan e talaga namang nagpalakpakan at
nagsitayuan ang buong Araneta Coliseum dahil sa kanyang husay
at galing sa pagrampa. Pati si Ate Vi na isa sa mga hurado ay
napa-impress ni Pebbles. She was never a pre-pageant favorite
but she became an instant hit during that segment of the
program.
Kelan pa kaya babalik ang dating bango ng
Pilipina sa Miss Universe? Meron na tayong "Bb. Pilipinas
edition" of Aruray at Bakekang. Meron na rin tayong mga
winners na mukhang labandera, atsay at yaya. Nitong huli,
kumuha tayo ng winner na pang-"sitio" o pang-"baranggay" ang
mukha.
Ano kaya ang susunod?
Abangan!
Proceed to PART II